Pagbati sa lahat,
Alam namin na marami sa inyo ang nagtataka kung kailan o kung gugustuhin natin, bilang isang Tradisyon, na gumawa ng isang pahayag tungkol sa kaguluhan na kasalukuyang lumalaganap sa bansang Amerika.
Maaari kaming magbigay ng dagliang pahayag, ngunit pinili namin na manahimik muna. Hindi namin nadama na ang pagbibigay ng agarang pahayag ay makakatulong sa kasalukuyang pagkakataon. Sa katunayan, ang pagbibigay ng dagliang pahayag ay maari makapagpalala sa mga taong apektado.
Sa halip nagbigay muna kami ng panahon upang sumanguni sa aming mga Kapatiran at Kaparian na itim kung ano ang inirerekumenda nila bilang pinaka kapaki-pakinabang.
Ang mga bagay na ito ay hindi biglaang nangyari.bagkus ang racism ay isang pangmatagalan at sistematikong problema na nasa ating lahat. Ang pagawa ng dagliang pahayag ay hindi makakatulong upang tugunan ang suliraning lumalaganap bagkus maaari ito makasama lamang.
Kung kaya’t kinausap namin ang mga Kapatiran na kilala bilang kapitapitagang Black Clergy sa aming Tradisyon na sina Arch Priest Ser Phoenix Williams, High Priestess Aisha Beauchemin, Rev. Ser Jeanine Keys ng Order of the Round Table, Rev. Ser Eboni Nash ng Order of Paladins, Rev Terrie Brookins, Rev. Moonraven Iuvantas, at Rev. Cher Davis. Sa palagay namin na walang pahayag na maaaring gawin ng Tradisyon ay magiging angkop nang walang gabay at pananaw mula sa aming mga itim na miyembro na pinaka apektado ng sistematikong rasismo at ng mga tiyak na mga kaganapan na naglalaro ngayon.
Ang rekomendasyon na ibinigay sa amin ay hindi lamang upang gumawa ng isang pahayag tungkol sa kung saan naninindigan ang Tradisyon sa sandaling ito, ngunit tungkol sa kung saan palagi kaming naninindigan, at patuloy na maninindigan. Ang tradisyon na ito ay matibay na naniniwala, at paulit-ulit na pinatunayan ang ating paniniwala sa, pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi Naniniwala kami sa pagkakapantay-pantay ng lahi 100%, na ang lahat ay patas na hindi nagtatangi. Ang Correllian Tradition mula simula pa lamang ay binubuo na ng iba’t ibang lahi mula sa ating mundo, at dahil dito kami ay hindi magpapabaya sa isyu ng pagkakapantay-pantay ng lahi at sa pagsalungat sa sistematikong rasismo.
Tinukoy ni Arch Priest Ser Phoenix Williams na malinaw na nakasaad ito sa aming Correllian Manifesto, na bahagi ng aming mga aralin sa pagkapari sa ilalim ng "Correllian Philosophy". Walang sinuman sa Tradisyon ng Correllian ang dapat mag-alinlangan kung saan tayo naninindigan bilang isang Tradisyon sa paksa ng pagkakapantay-pantay ng lahi at pagsalungat sa sistematikong rasismo at mga pang-aabuso na konektado sa sistematikong rasismo. Ang Correllian Manifesto ay pinagtibay noong 1979 ngunit muling binibigyang-diin ang mga pananaw na matagal na nating ginanap noon, at kung saan matatag tayo.
Natutukoy ng manifesto ang maraming mga isyu na kinasasangkutan ng wastong pag-uugali at mabuting pamamahala. Ang mga sipi sa ibaba ay partikular na nauugnay sa kasalukuyang panahon:
"4) Ang karapatan na tratuhin nang pantay-pantay alintana ang relihiyon, lahi, reputasyon, o iba pang mga indibidwal na pagkakaiba sa harap ng batas at publiko."
Ibig sabihin: ang sistematikong rasismo ay ganap na mali at immoral.
"7) Ang pangangailangan para sa batas at ang pangangailangan ng pamahalaan, 7.1) Sinabi nito, ang gobyerno ay hindi dapat maging bias upang itaas ang ilang mga mamamayan, at ang iba naman ay hahamakin."
Ibig sabihin: ang sistematikong rasismo ay ganap na mali at imoral.
"7.4) Na wala sa anumang lahi, kasarian, teolohiya, kalinangan o kulturang pinagmulan, pansariling paniniwala, angkan na pinagmulan o iba pang mga katangian ang maaring gamitin ng anu mang pamahalaan upang maging bias (makapili) sa mga mamamayan at alin man sa ating personal na nakaraan, pamilya, mga nagawa natin para sa samahan o alinmang kalipunan, ay maaring gamiting dahilan ng pamahalan upang hatulan ang isang individual.”

"16) Na walang sinuman ang pinahihintulutan na tapakan ang pansariling karapatan at paniniwala at gayun din ang karapatan at paniniwala ng iba, ngunit dapat ipagtanggol ang mga karapatan at paniniwalang ito.”

"17) Na ang mga naghahangad na magpahirap ng iba ay hindi dapat pinahihintulutan gawin ito ng walang humpay."

Hindi namin nararamdaman na dapat pang tanungin ang isyung ito. Ang mga opinyon ay maaaring makatwirang naiiba sa logistik kung paano pinakamahusay na ituloy ang pagkakapantay-pantay ng mga lahi, at ang mga opinyon na kailangang isaalang-alang ay ang mga opinyon ng mga pinaka apektado, ngunit ang ating pangako bilang isang Tradisyon sa pagkakapantay-pantay sa lahat ng lahi ay ganap.
Inaalok ang karagdagang payo:
Sinasabi na dapat iwasan natin ang partisan politics sa kadahilanang ang ating samahan ay isang 501c3 na samahan. Ngunit bilang isang Pari maari nating panghawakan ang anumang pananaw na meron tayo sa ating pribadong buhay, ngunit kahit kailan man ay hindi natin maaring gamitin ang ating pagka pari upang hikayatin ang sinuman na sumangayon sa anumang partido o kandidatong political. Nawa’y maging malinaw sa lahat ang mga ito.
Gayunpaman, ang pagsalungat sa rasismo ay hindi partisan na isyu bagkus ito ay isang paksang Moral. Ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi ay isang bagay ng pagiging disente ng tao, na hindi kaugnay sa politika. Habang ang isang Iglesya tulad ng sa atin ay dapat iwasan ang partisan politics, at bilang Kaparian sa ating Iglesia ay ating nasasakupan ay Moralidad na panglipunan.
Ito ay karagdagang itinuro na kami bilang mga mahiwagang tao, na may mga mahiwagang kasanayan at kakayahan upang makatulong na ipakita ang isang mas mahusay na mundo. Ito ay hindi isang kapalit sa pagtaguyod ng kapayapaan at pagkakapantay-pantay sa pang-araw-araw na buhay ngunit ito ay isang makapangyarihang pag-ugnay dito.
Ang pinakamatibay nating kasangkapan bilang Mahiwagang Nilalang sa ating Tradisyon ay ang pananalangin at pagsasagawa ng mga baki at ritwal. Ang pagsusulong sa gawain ng Panalangin para sa Kapayapaan ay palagiang binibigyan ng diin na ang Kapayapaan ay hindi lamang sa kawalan ng pagaalitan at tunggalian bagkus ito ay ganap na katayuan ng isang nilalang na mabuhay na walang takot at pangamba at sa dahilan na ang iyong sarili ay mahalaga. Ano man ang pagkakaroon ng alitan o tungalian, ang kapayapaan ay di magaganap kung hindi iiral ang katarungan.Ang alitan at tungalian na walang katarungan ay hindi kapayapaan bagkus ito ay katahimikan lamang. Mangyaring isaalang alang ng bawat isa na makilahok sa pagsulong ng Panalangin para sa Kapayapaan upang sama sama natin likhain ang pagkakaroon ng tunay na Kapayapaan, Katarungan at mahusay na Pamayanan sa ating Mundo.
Dalangin namin ay Kapayapaan.
Dalangin namin ay Pagibig.
Dalangin namin ay Katatagan.
Idinadalangin namin na manaig ang Pagibig laban sa Takot.
Idinadalangin namin ang aming bansa na kung saan kami ay mamamayan.
At dinadalangin namin ang buong Sanlibutan.
At sa pagkakatong ito ay tinatalakay na natin ang mga kaparaanan kung paano natin tutugunin ang mga katulad na suliraning ito na pang matagalan. Muli, ang sistematikong rasismo at mga pang-aabuso na konektado dito ay hindi isang bagay na biglang sumulpot na lang bagkus ito ay isang malalim at matagal ng nakaugat na isyu. Ito ay isang Sumpa mula sa saling lahi na dapat malunasan. Walang mabuting hinaharap para sa lahat kung hindi natin lulunasan ang sistematimatikong rasismo, at ang pagtutuon ng pansin upang bigyang lunas ang suliraning ito ay kinakailangan ng matagalang pagtatalaga sa sarili. Sinisikap ngayon ng ating tradisyon sa pamamagitan ng mga nakatalang Kaparian nabanggit ang magsiyasat ng mga pamamaraan upang mapalakas at mapalawig ang ating pagtatalaga para sa ganap na pagkakapantay pantay ng mga lahi at upang tutulan ang Sistematikong Rasismo.
Kung ikaw ay isang Correllian, nakasisiguro kami na nakikibahagi ka sa mga pangakong ito.
Lubos na sumasa inyo,
M. Rev. Donald Lewis-Highcorrell
First Priest/Chancellor, Tradisyon ng Correllian
Vox Correllianus, Apu Tanglaw Liwanag, Member Triad Union
M. Rev. Stephanie Leon Neal
First Priestess, Tradisyon ng Correllian
Vox Correlliana
Rt. Rev. Ser Ed Hubbard
First Elder, Tradisyon ng Correllian
Paladin General
Rt.Rev. Ser Jason Highcorrell
First Director, Tradisyon ng Correllian
Paladin Major
Translated in Filipino by Rev. Ser Rolando Comon
Chief Priest Luntiang Aghama
Paladin Commander, Order of Paladins